Nadine kaliwa’t kanan ang award ngayong taon

Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

SUNOD-SUNOD ang pagkilalang natatanggap ng aktres na si Nadine Lustre. Matapos masungkit ang best actress award sa Asian Academy Award 2026 para sa kanyang mahusay na performance sa Love Siargao, kinilala rin siya sa Dekada Awards ng Golden Screen Awards 2026 para sa mahusay nitong pagganap sa 2018 movie nila ni James Reid, ang Never Not Love You.

Tatanggap din ng award si Nadine sa  42nd PMPC  Star Awards For Moviebilang Takilya Queen. Si Vice Ganda naman ang  Takilya King para sa pinagsamahan nilang pelikula, ang MMFF 2025, Call Me Mother.

Bukod sa  parangal na matatanggap, nominado rin ang aktres bilang Best Actress  sa pelikulang Call Me Mother at makakalaban sina Mylene Dizon (Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan); Bela Padilla (100 Awit Para Kay Stella); Angelica Panganiban (Unmarry); Maris Racal (Sunshine); Charo Santos-Concio (Only We Know), at Maricel Soriano (Meet Greet Bye).

Gaganapin ang 42nd Star Awards for Movies sa Oktubre 25, 2026 (Linggo) sa Winford Resort and Casino Manila. Produced by Revival King Jojo Mendres at ng EV Production and Events. Si Vivian Poblete Blancaflor ang direktor.