Aliyah Raymundo Nico Valdez Chester Grecia Christopher Novabos VMX DutDutan

MATABIL
ni John Fontanilla

BUKOD sa pagiging VMX star ay ang maging rap artist ang gusto pang gawin ng lead actress ng DutDutan, si Aliyah Raymundo.

Ayon kay Aliyah, “Gusto kong kumanta, mag-rap and mag-business, pero mas nalalamangan ‘yung katamaran ko eh.”

Hindi naman niya makalilimutan ang lovescene ni  Chester at ng kanyang mommy sa pelikula.

“Kasi may away scene pa, panoorin n’yo para makita niyo ‘yung sinasabi kong eksena,” anito.

Kasama rin sa pelikula sina Krista Miller, Sheena Cole, Chester Grecia, at Nico Valdez. Directed by Christopher Novabos.