MATABIL
ni John Fontanilla
IBINAHAGI NG cast ng VMX movie na Sukdulan na sina Shalanie De Vera, Benz Sangalang, at Alexa Dela Cruz na kung ano ang sukdulan na puwedeng gawin sa kanila ng isang tao para magalit sila ng sobra-sobra.
Ayon kay Shalanie, “Siguro violating my space, ‘yung hindi nirerespeto, ‘yung sinet kong boundaries, ‘yun ‘yung sukdulan for me.”
Ayon naman kay Alexa, “Sa akin naman po betrayal. Nagtiwala ka tapos tatraydorin ka, ‘yun po.”
Dagdag naman ni Benz, “Parang ganoon na rin ‘yung sinabi ni Alexa na tatraydorin ka, pinagkatiwalaan mo tapos gagawan ka ng masama.”
Ayon nga kina Benz at Shalanie, mas matapang at mas grabe ang mga lovescene nila kompara sa original cast ng movie.
“Sa akin po sa lahat ng remake ng ginawa ko ito ang pinakamalapit sa original halos modern time lang, pero same story talaga.
“Tapos sa tapang, siyempre VMX ito halos lahat naman ng VMX mas matapang kompara sa mga original love scene.”
Dagdag naman ni Shalanie, “Yes mas matapang nga ito compared sa original.
“And mas challenging siya compared sa first movie ko. Kasi ito, working with direk bale different environment naman siya, very strict si direk, mas meticulous siya kaya marami akong natutunan.”
Gagampanan ni Shalanie ang role na dating ginampanan ng Viva Hotbabe member na si Katya Santos at gagampanan naman ni Benz ang role ni Raymond Bagatsing.
Mapapanood ang Sukdulan simula October 23 sa VMX app. sa direksiyon ni Law Fajardo.
