Atty Vince, Johnrey dinala istoryang Pinoy, talento sa  pandaigdigang entablado

Philstagers Rizal 3000 Johnrey Rivas Atty Vince Tañada

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKAAALIW ANG Presidente ng Philstagers at bida sa dulang Rizal: 3000 na si Johnrey Rivas katuwang si Atty. Vince Tañada.

Lumipad sila patungong Gresya (Greece) matapos ang isang performance nila sa St. Scholastica.

Lumipad kasi ito na in character pa rin bilang si Rizal. At rumampa sa bayan ng mga Griyego bilang ating Pambansang Bayani.

Bakit ba sila naroon?

Dahil sa dula ng theater luminary na si Dr. Anton Juan.

Sa pamamagitan ng Embahada ng Gresya, kahapon, Linggo (Oktubre 18, 2026) isinadula ang Bayan-Bayanan na nilikha ng manunulat na si Bienvenido Noriega na idinirihe ni Dr. Anton.

Natunghayan kahapon, 4:00 p.m., sa  Teatro Parnassos Literary Society sa Athens, Greece, na kasama ang mga entabladistang personal na pinili ni Dr. Anton.

Ano ba ang Bayan-Bayanan?

Ginagalugad nito ang malalim ng nakaraan ng migranteng Pinoy. 

Their resilience in the face of adversity, the sacrifices they endure for their families, the dreams that sustain them, and the triumphs and failures that shape their lives far from home.

More than a theatrical presentation, the production serves as a poignant reflection on the Filipino diaspora and the universal struggle for dignity, belonging, and a better future.

Its staging in Athens carries particular significance at a time when Europe continues to grapple with complex migration challenges. Through the lives of Filipino migrants, Bayan-Bayanan offers audiences an intimate and deeply emotional perspective on displacement, cultural identity, survival, and the enduring strength of the human spirit.

Makabuluhang milestone nga ito para kina Tañada at Johnrey Rivas sa kanilang artistic careers.

Sa pagbubukas ng isang kabanata sa kanilang karera sa pandaigdigang entablado.

Ipinagdiwang ng produksiyon ang lakas ng pagsasanib pwersa ng iba’t ibang henerasyon.

Sa pagsasama-sama nina Noriega at Dr. Anton at performances nina Tańada at Rivas kasama ang mga kapwa aktor sa naturang bayan.

Para kina Tañada at Rivas, ang  Athens engagement ay ‘di basta lang isang palabas.

Kundi pagpapatunay na karapat-dapat na ang Filipino stories, Filipino talent, at Filipino theater ay makita at ipagbunyi sa pandaigdigang entablado.