SABAY-SABAY na magaganap ang Grand Finals ng Level Up The Dance Battle, Sing And Shout It Loud, at Star Quest sa October 22 sa Victory Mall, Caloocan City at mapapanood sa October 25, 7:00 p.m. sa Onflix at I Gee Studios FB Page.
Hosted by Shayne, Jarred, Jairex, Xan Xan, Zhian, Jam, at James.
Maglalaban-laban para maging first ultimate Grand Champion ng Level Up The Dance Battle ang grupong Batang 90’S, The Greatest, P Squad, Phil Underground Dance Artist, at ang J Cris.
Magsi-sing off naman para tanghaling grand winner ng Sing And Shout It Loud sina Jirecho at Rosanna.
Kaabang-abang naman kung sino ang Tatanghaling Ultimate Winner sa Star Quest Artista Search at magiging parte ng I Gee Studios kina Dana, Yuna, Ecko, Noah, at Arwen.
Kaya naman sugod na sa Victory Mall sa Oct. 22 para malaman kung sino-sino ba ang tatanghaling winners sa Level Up The Dance Battle, Sing And Shout It Loud, at Star Quest.
