Katie kinompirma balikan nina Katrina at Lawrence 

Kris Lawrence Katrina Halili Katie

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKABALIKAN na sina Kris Lawrence at Katrina Halili. Ang kanilang anak na si Katie mismo ang nagkompirma ng kanilang pagbabalikan.

Ayon kay Katie, naging official muli ang kanyang mama at papa noong September 13, 2026, 12:00 ng hatinggabi.

Kasabay nito, nag-post din si Kris sa Facebook noong Linggo, Setyembre 27, ng sweet photo nilang magkasama ni Katrina, kasama ang kanilang anak na si Katie.

Makikita sa larawan na nakayakap sina Kris at Katrina kay Katie habang nasa isang malawak na lupain.

Sa caption, tila may pahiwatig si Kris na nagsisimula sila sa isang bagong yugto ng kanilang relasyon.

Mensahe niya: “New chapter.

“I told you I gotchu, and I meant that. No need to rush anything… One Step at a Time, enjoying where this takes us.”

Sinundan pa niya ito ng mensaheng nagsasabing masaya siya sa kasalukuyan at sila mismo ang magpapasya kung saan hahantong ang bagong chapter ng kanilang buhay.

“All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us.”