ni MICKA BAUTISTA
GUILTY beyond reasonable doubt ang hatol ng Baliwag City Municipal Trial Court, sa lalawigan ng Bulacan laban sa isang dog trader, matapos mapatunayang lumabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998.
Unang nahuli ang suspek sa isang operasyon noong 2024 matapos makatanggap ng sumbong ang Animal Welfare Investigations Project hinggil sa ilegal niyang aktibidad.
Ayon kay Greg Salido Quimpo, Regional Manager ng Animal Welfare Investigations Project, nag-iikot sa komunidad ang dog trader na kinilala sa alyas Kalbong Aso gamit ang traysikel at naghahanap ng mabibiling aso.
Kapag nakabili na ay ibinebenta ni alyas Kalbong Aso sa mga may-ari ng kainan na nagkakatay ng aso.
Isang taon pagkakakulong at pagbabayad ng P30,000 multa ang ipinataw na parusa sa naturang dog trader.
Ang kaso ay nagpapatunay na may ngipin ang batas laban sa pagmamalupit sa hayop.
