ISANG sepultererong naghahanda ng paglilibingan ng kliyente ang namatay nang makoryente at mahulog sa hukay na tinatanggalan ng tubig sa lungsod ng Kabankalan, lalawigan ng Negros Occidental.
Nabatid na inihahanda ng 33-anyos biktima ang libingan sa kaniyang pinagtatrabahuang pribadong memorial park nang maganap ang insidente.
Ayon sa pulisya, gumamit ang biktimang kinilalang si alyas Roger ng submersible pump upang makuha ang tubig na naipon sa hukay.
Habang inaayos ang pump, biglang nakoryente si alyas Roger at nahulog sa hukay na puno ng tubig.
Agad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
