Maestro Vehnee kinompirma mga singer na nakalimot

Vehnee Saturno

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMING isinulat na kanta ang award winning composer na si Vehnee Saturno sa mga baguhang singers pa lang noon gaya nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Sarah Geronimo among others. 

Sa pagsikat ng mga kanta ni Maestro Vehnee, sabay din ng pagsikat ng mga nabanggit naming singers.

Sila ang ilan sa mga tinitingala at inirerespeto ngayon sa music industry.

Masaya si Maestro Vehnee sa success ng mga ito, pero at the same time ay nalulungkot din siya dahil may ilan sa mga ito ang  hindi na siya kilala at naaalala.

Pero may iba pa rin naman ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalilimot, at patuloy na nagpapakita ng pagkilala, pagmamahal, at pagrespeto sa kanya.

Aniya ito ay sina Jessa Zaragoza, Martin Nieverra, Sarah Geronimo, Kris Lawrence, JR, at ang dating singer na si Louie Heredia, na sumikat dahil sa kanta niyang Nag-iisang Ikaw, na komposisyon ni Maestro Vehnee.

“Noong active pa siya (sa music industry) every  year, mayroon ako riyan, maski na kapiraso lang na chocolate or anything, na masabi na mayroong bigay. Nakatutuwa!

“Ang sarap ng pakiramdam na hindi ka niya nakalilimutan, na nakatrabaho mo siya,” sabi ng Maestro tungkol sa retiradong singer.