MA at PA
ni Rommel Placente
PINALAGAN ni Anne Curtis ang netizen na umaalipusta sa kanyang mukha.
Sa X (dating Twitter), nagbahagi ng screenshot ang netizen na mula sa isang video clip ng interview sa aktres-TV host, na makikita ang matingkad na skin texture ng mukha nito.
“Retokada yarn? Exhibit A – anak ” saad ng netizen sa caption ng post niya tungkol kay Anne.
Nakarating naman kay Anne ang naturang post, at diretsahan niyang sinagot ang batikos na natanggap.
“Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful,” saad ni Anne.
Pagpapatuloy pa niya, “I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang.”
Mukhang hindi nagustuhan ni Anne ang ginawa ng netizen na pagdamay sa kanyang anak kaya hindi rin nito napigilan ang sumagot sa post ng netizen.
Aniya, kahit na ganoon ang ginawa ng netizen ay nais pa rin niya itong pakitaan ng kabaitan.
Sey ni Anne, “I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you some in your life.
“Big virtual hug I mean that, sincerely. Good night!”
Marami naman sa mga netizen ang nag-react sa ginawa ng basher kay Anne.
“imagine saying this online na you can’t even show your face,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng iba pa, “N____…. eh yun pinost mong pic ni Anne, mas maganda pa din sa nakakarami. Walang ipapangit ang nagiisang Diyosa!”
“atleast maganda padin kahit malakas ang lights,eh ikaw kaya siguro wala pang lights mukha ka ng ingrown or mukha kang pigsa na mabaho.”
