MATABIL
ni John Fontanilla
KUNG may dalawang singer na gustong maka-collab si Benedict Vinluan, ito ay walang iba kundi sina Concert King Martin Nievera at Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Ayon kay Benedict sa launching ng kanyang latest single na Sa Gitna ng Ulan composed and produced by Maestro Vehnee Saturno under Vehnee Saturno Music na nagsilbing host si Ladine Roxas-Saturno at naging special guest ang Ppop Girl Group na binu nila, ang CESSA, “Gusto ko pong maka-collab sa babae si Regine Velasquez. Noong audition ko nga po sa ‘Idol Philippines,’ eh sobrang cute na cute siya sa akin, piniga niya nga po ‘yung pisngi ko at binigyan niya ako ng chocolate.
“Tapos sabi po nila sir Gary (Valenciano), bawal ‘yan, sagot naman ni Ms Regine. ‘Eh sobrang cute eh.’
“Sa lalaki naman po ‘yung coach ko sa ‘The Voice Teens,’ si coach Martin (Nievera).
“Actually po nagkaka-chat po kami ni coach Martin. Nagkakamustahan po kami.”
At kinuha ang pagkakataon para pasalamatan si Martin. “Coach Martin kung napapanood niyo naman po ito, maraming-maraming salamat sa turo mo sa akin and sa guide mo dahil malaking tulong po sa akin.”
Kung may gusto itong i-revive na kanta na isinulat ni Maestro Vehnee, ito ay ang kanta ni Michael Pangilinan na Bakit Ba Ikaw.
“Sobrang thankful po ako kay Lord kasi sa lahat po ng pinagdaanan ko na mga hardwork, lahat po ng mga sacrifice ng family ko, unti-unting nagiging worth it.
“And sobra po akong nagpapasalamat sa tumutulong sa akin and especially kay Lord.”
Ang pamilya niyaang may malaking influence sa kanyang pagkanta.
“And ‘yun nga po ‘yung mga nag-influence sa akin ‘yung family ko po, kasi nakikita ko po ‘yung hard work nila and ‘yung sacrifies nila sa akin para lang po masuportahan ‘yung pangarap ko at kung ano ‘yung gusto ko sa buhay.”
Pinasalamatan din nito ang mga taong tumulong sa kanya para maging mahusay na singer at maging isang recording artist.
“Maraming-maraming salamat po kay sir Charles (Solano- Executive Producer), tapos kay sir Vehnee Saturno, kay Ma’am Ladine (Roxas- Saturno), and sa inyo pong lahat na nandirito.”
Available na ang awitin ni Benedict na Sa Gitna ng Ulan sa Spotify at sa iba pang streaming app. worldwide.
