Bea nahirapang kaeksena sina Vandolph at TJ 

Pee Mak WilBea Wilbert Ross Bea Binene

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang experience ni Bea Binene being the only girl sa Philippine adaptation ng blockbuster Thai movie na Peemak,  na nakatrabaho nito ang limang lalaki na kasama sa cast ng pelikula na sina Vandolph Quizon, TJ Valderma, Jairus Aquino, Gian Bernardino, at ang kanyang screen loveteam na si Wilbert Ross.

Tsika nga ni Bea, “Siyempre po masaya, very gentleman ang mga kasama ko rito, talagang sa taping pauupuin ka at aalalayan ka.”

Dagdag pa nito, “Ah siguro parang ayoko na ako lang ang babae or what, siguro I wanna share na lang something na working with them as a team.

“Ang hirap po magseryoso kasi as a mumu ako ‘di ba. So, parang kailangan very serious ka nonchalant ka kunwari ganyan, kinakagat ko na po ‘yung dila ko para ‘di ako matawa, ganoong levels po.”

Ang pinaka-challenge para kay Bea ay kapag kaeksena niya sina TJ at Vandolph na grabe kung makapagpatawa.

“Ang pinaka-challenge ko si TJ (Valderama) at si kuya Valdolph (Quizon), as in ang hirap po magpigil ng tawa.

“As in kaeksena nila ako papanoorin mo lang sila pero oh my God hahagalpak ka talaga ng tawa ganoon.

“So I feel like that makes it more fun working with them ‘di ba, and katulad ng mga sinabi nila kanina ang gagaan nilang katrabaho.

“Kasi itong paggawa nila ng film na ‘to, hindi siya ganoon katagal ginagawa pero I feel like ang dami ng napagkuwentuhan, ang dami ng napagsamahan so, ‘yun ayun po.”

Mapapanood ang Peemak in cinemas nationwide simula October 14. Hatid ng Viva Films at mula sa direksiyon ni Victor Villanueva.