Richard lumipat na ng recording company

Richard Reynoso

I-FLEX
ni Jun Nardo

LUMIPAT na ng recording company si Richard Reynoso matapos magtagal sa Alpha Records na nagbigay sa kanya ng hit songs niyang Hindi Ko Kaya at Paminsan-minsan.

Ang PolyEast ang label na nagbigay ng bagong Christmas song ni Richard na Parating Na Ang Pasko.

Aspiring singer-actor pa lang si Richard noon nang magpatulong sa amin ang dati niyang manager, ang pumanaw nang si William Leary at naging manager din ni Vilma Santos.

Ngayon eh may asawa’t dalawang anak na si Richard. Mas ginusto niyang kumanta kaysa umarte.

Kaya naman nabuo ang grupo ng OPM na OPM Hitmen na kasama siya at ang concert nila bukas sa Teatrino at sold out na. May repeat sila sa December.

Bukod sa pagkanta, tatlong taon na siyang Board Member ng MTRCB.

Abangan ninyo ang masaya naming interview kay Richard sa Maritess University na tonight ang upload.