Shannon Sizon tuloy pag-aaral ng abogasya kahit VMX star na

Shannon Sizon

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPAGPAPATULOY ng VMX artist na si Shannon Sizon ang pag-aaral ng law dahil gusto niyang makatulong sa mga kapos sa pambayad sa lawyer at kasama rin dito ang pagtulong sa kababaihan at hindi mangyari sa iba ang nangyari sa kanila ng nanay niya.

Ayon kay Shannon sa mediacon ng VMX special interest feature na VHS Tapes, wala siyang special treatment sa kanyang law professors kahit artista siya.

Bast kapag hindi siya nakasasagot sa recitation, nakikita niya ang ilan niyang classmates na pinatatayo ng ilang minuto sa  kinauupuan hanggang may makasagot ng tama.

“Luckily, nakakasagot naman ako!” sabi ni Shannon.

Kahit host si Shannon sa VMX special interest feature na VHS Tapes, may pasabog din siyang ginawa sa feature na streaming na ngayon sa VMX at isa pa sa aabangan ay ang bagong version ng pelikulang Isla na ginawa noon ni Maria Isabel Lopez.