MATABIL
ni John Fontanilla
USAP-USAPAN ngayon ng netizens ang Kapuso star na si Charlie Fleming matapos mag-viral ang video nito na tila tumangging mag-picture sa isang fan.
Nakiusap naman daw ng maayos ang nasabing fan na kung puwede magpalitrato sa kanya pero tumanggi ito at dire-diretsong lumakad at tinakpan ang mukha.
Nangyari raw ang nasabing insidente sa mismong debut party ni Charlie, pero hindi raw ito pinagbigyan ng aktres.
Iba’t iba ang naging reaksiyon at komento ng netizens sa nag-viral na video ni Charlie, may negative at may mga nagtanggol sa kanya.
