MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI big deal kay Khalil Ramos ang gumanap na gay sa pelikula o telebisyon.
Minsan na siyang gumanap na bading sa ilang proyekto na ginawa niya at hindi problema sa kanya kung ma-type cast siya sa ganoong role.
At sa kanyang bagong project sa Puregold Cinepanalo na may temang BL ay kakaiba ang kanyang role, na animated ang kanyang karakter na very challenging sa kanya.
Tsika ni Khalil, “It’s been a while na gumawa ako ng BL, pero first time kong animated. So kakaiba talaga, mas mahirap siya at mas challenging.
“Noong nakita ko nga ‘yung teaser for the first time, parang ‘Huuyyy!!!’ ‘Yun pala ang itsura ko kung animated ako, may mga kaunting physical adjustments lang.
“Parang kailangan, sobrang precise lagi niyong blocking dahil nga animated siya at iba sa mga nagawa ko na, mas mahirap siya at mas challenging.”
Hindi rin issue sa mahusay na aktor kung may kissing scene siya sa pelikula with same sex, basta kailangan at sa ikagaganda ng pelikula.
“As long as the script goes for it, I am a firm believer na sa story is kung kailangan, and the scene is required to communicate the truth, and that’s good.”
Thankful si Khalil sa dami ng blessings na dumarating sa kanya ngayon.
“Super blessed sa lahat ng nakakatrabaho kong productions, thankful pa rin ako na may tiwala pa sila sa talento ko.
“In the current state of our industry, sobrang swerte ko na may isang project.
” Pero ngayon sa buwan na ito, currently I have three (projects), which I am super grateful to be part of these projects.”
Makakasama ni Khalil sa Patay Gutom sina Ian Pangilinan, Cris Villanueva, at Agot Isidro. Sa direksiyon nina Carl Joseph Papa at Ian Pangilinan.
Ang Patay Gutom ay entry sa ikatlong edisyon ng CinePanalo filmfest na magsisumula na sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 4.
