ISANG magandang kuwento tungkol sa pagmamahal, acceptance, at equality ang nakahanap ng bagong tahanan at ngayon, mas marami pang manonood ang naaabot nito.
Ang ImPerfect ng Nathan Studios, na nagwaging Best Picture sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF), ay streaming na ngayon sa Netflix at umakyat na sa No. 1 spot among the platform’s most-streamed movies in the Philippines.
Gumawa rin ng kasaysayan ang pelikula sa MMFF nang manalo bilang Best Actress ang lead star nitong si Krystel Go, isang mahalagang milestone para sa representation ng mga taong may Down Syndrome sa Philippine cinema.
Pero higit pa sa awards at latest streaming success nito, ang ImPerfect ay may dalang mensaheng mas malaki pa sa pelikula mismo.
Isinusulong ng pelikula ang equality at inclusivity para sa mga taong may Down Syndrome — isang paalala na deserve nila ang parehong respeto, karapatan, opportunities, pangarap, at pagkakataong magkaroon ng isang full and meaningful life tulad ng lahat.
Para sa Nathan Studios, sa pangunguna ng veteran actress-producer na si Sylvia Sanchez at CEO na si Ria Atayde-Marudo, mas naging meaningful ang journey ng pelikula ngayong mas marami nang Filipino homes ang naaabot nito through Netflix.
“Sobrang saya namin. Noong ginagawa namin ang ‘ImPerfect,’ ang gusto lang talaga namin ay mas maraming tao ang makakita at makaintindi sa mundo nila, sa mga pangarap nila at sa kaya nilang gawin,” sabi ni Sylvia.
“Hindi sila iba sa atin. May pangarap sila, marunong silang magmahal, gusto nilang magtrabaho at gusto rin nilang mabigyan ng pagkakataon. Sana pagkatapos mapanood ang pelikula, mas makita natin sila ng pantay, hindi dahil naaawa tayo, kundi dahil karapatan nila iyon,” dagdag pa ni Sylvia.
Para naman kay Ria, ang pagiging No. 1 ng pelikula sa Netflix ay nagbibigay ng mas malawak na platform para maipagpatuloy ang advocacy ng I’mPerfect.
“Every new person who watches ‘I’mPerfect’ helps carry it’s message forward. Inclusion is not about giving people with Down Syndrome special treatment. It is about making sure they are given the same dignity, opportunities, and freedom to dream that all of us deserve,” ani Ria.
“Knowing that the film is now reaching audiences through Netflix makes us incredibly grateful because the conversation can continue far beyond its theatrical run,” sabi pa ng misis ni Zanjoe Marudo.
Ipinrodyus ng Nathan Studios at isinulat at idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo, tampok sa ImPerfect sina Krystel at Earl Amaba, dalawang actors with Down Syndrome, sa isang kuwento tungkol sa love, independence, family, at karapatang piliin ang sariling landas sa buhay.
Mula sa pagiging 2025 MMFF Best Picture hanggang sa pagkakaroon ngayon ng bagong audience sa Netflix, patuloy na pinatutunayan ng I’mPerfect na ang mga kuwentong puno ng empathy at inclusion ay kayang umabot at tumimo sa puso ng maraming tao.
At ngayon, bawat stream ay makatutulong para manatiling buhay ang mahalagang mensaheng ito.
Panoorin ang I’mPerfect sa Netflix, i-share sa inyong family at friends, at tulungan itong manatili sa No. 1 — hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat taong may Down Syndrome na deserve makita, marinig, respetuhin, at mabigyan ng pagkakataong buong tapang na sabihing: “Yes, I can.” (MValdez)
