Gary V pinaghahandaan 10 nights concert 

Gary V

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG kapaguran sa paghataw ang tinaguriang Mr. Pure Energy ng OPM na si Gary Valenciano.

Pinaghahandaan kasi ngayon ni Gary ang 10 nights concert niya sa Music Museum simula sa October.

Sixty two years pa lang si Gary kaya kayang-kaya pa niyang humataw sa stage ng ilang oras, huh!

Aba, sarap kayang makisabay nang pag-indak kay Gary V sa pinasikat niyang kanta gaya ng Hataw Na, Shout for Joy at iba pang nakaiindak na mga kanta.

Abangan ang ilang detalye sa Music Museum concerts na ito ni Gary V!