ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang talented actress na si Shira Tweg na sa walong pelikulang nagawa, pinaka-challenging ang role niya sa “Mantsa”, pinamahalaan ng batikang direktor na si Direk Louie Ignacio.
Pahayag ng dalaga, “Yes po, around eight… I would say yeah, kasi ayun nga po, it’s a big role po talaga for me. Super kakaiba rin po siya sa lahat ng mga nagawa kong movies ko, most of my movies.
“Iyon nga po, kakaiba iyong role ko po, it’s something I’ve never experienced before. It’s something really challenging for me po talaga.”
Ibang Shira Tweg ba ang mapapanood dito sa Mantsa?
“Yes, I would really say po, kakaiba ito talaga,” matipid na wika pa niya.
Si Shira ay 19 years old at gagampanan niya rito ang papel na Regina.
Hindi nga maitago ni Shira ang excitement sa nabanggit na pelikula dahil kasama niya rito ang mga beteranong artista.
Maganda ang cast ng movie, na bukod kay Shira ay pinangungunahan din nina Gelli de Belen, Khai Flores, at Ms. Pilar Pilapil.
Tampok din sa Mantsa sina Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.
Anong aral ang mapupulot sa kanilang pelikulang ito?
“Iyong mental health awareness po ang number-one talagang aral na mapupulot dito. It’s a psychological thriller po and it’s all about family rin po kasi.”
Dagdag na esplika pa ni Shira, “Specially ngayon, this generation, super-duper big deal ang mental health nowadays. Na, we should really watched out, na hindi rin natin dapat na binabalewala lang ito.
“Kasi, ang dami rin nangyayari… Kasi, mental health is such a really big impact sa brain, like, grabe talaga ang mga nangyayari ngayon.
“Kaya what I can say is, always have someone to talk to, always be with someone if ever you are struggling and everything.”
Mainly, umiikot ang istorya nito kina Ms. Pilar, Gelli, Shira and Khai.
Ito naman ang pahayag ni Ms. Pilar sa kanyang role sa pelikulang ito.
“It’s a good role. It’s a role that is not very long but markado siya, with a lot of nuances, body language, expressions of the eyes.
“When I get a role, I really read the whole script, not just my role. I want to be in touch with the other characters.”
Ayon naman kay Gelli, nang i-pitch sa kanya ang project ay nagustuhan agad niya ito.
Kuwento ng aktres, “Nang ikinuwento kasi sa akin ni Bambbi ‘yung istorya… okay, i-set aside natin na nandiyan sina Bambbi at Direk Louie, nang ikinuwento sa akin ang story — actually, I think hindi pa confirm noon si Tita Pilar, sinabi sa akin na ito iyon, medyo horror, whatever… so sabi ko, ‘Wow, sounds interesting.’ Kasi I think, the last time I did a horror movie was in the 90s.
“So, sabi ko, ‘Uy parang bago, sige-sige gusto ko, gusto ko talaga.’ Lalo na noong ikinuwento sa akin kung ano ang magaganap. Eventually sinabi sa akin na okay na si Tita Pilar at si Direk Louie ito… Kasi I’ve never worked with Direk Louie puro kami “Sis” (dating talk show sa GMA-7), puro kami variety show, never talagang acting. So, exciting ito,” masayang sambit pa ni Gelli.
Ang pelikulang Mantsa ay hatid ng Dragon Talent Management ng mga producer na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.
