I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA nang silbi ang wedding ring ni Jennica Garcia kaya naman ibinenta na niya ito.
Eh wala nang dyowa kaya naman noong magpunta si Jennica kay Charo Cordialng Maddox Jewelry para ipatingin ang isang singsing na nabili na nag-iiba ang kulay. ‘Yung simpleng patingin eh napunta ang usapan nila ni Ms. Charo tungkol sa pag-ibig, diamonds, alahas at sa dating singsing ng aktres.
Inihayag ni Jennica na ibinenta na niya ang kanyang wedding ring. Aniya, wala na itong purpose at hindi na rin niya maisusuot.
Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi rin ni Jennica na nagkaroon siya ng pagkakataon na pakawalan ang isang tao sa kanyang buhay. Para sa aktres, mas natatakot siyang mawala ang Diyos kaysa taong nahihirapan siyang bitawan.
Apat na taon nang single mom si Jennica. Pero handa pa rin siyang magkaroon ng bagong relasyon.
“Feeling ko, oo naman basta pinili lang ni Lord,” saad niya.
Sinasabihan nga raw siya ng kanyang friends na mapili. Eh pagdating sa physical appearance, malakas ang dating sa kanya ng mga moreno. Basta ayaw na niya sa “situationship.” Basta ang nais niyang buuin sa makakarelasyon ay sacred relationship.
Sa dulo ng kuwentuhan, lumabas din ang resulta ng ipinasuri ni Jennca na natural diamond at 18-karat gold ang singsing na inakala niyang maaaring may problema dahil sa kulay.
Handang maghintay si Jennica sa taong magbibigay ng singsing na hindi lang tugma sa kanyang puso kundi pati sa kanyang pananampalataya at sa buhay na nais niyang buuin para sa kanyang mga anak.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, Tiktok, at You Tube pages ng Maddox Jewelry at malaman ang iba pang celebrities na nakausap ni Ms Charo Cordial!
