I-FLEX
ni Jun Nardo
KUMAWALA talaga si Barbie Forteza sa de kahon niyang imahe sa Regal movie niyang Saving Cherry.
Sanay kasi ang publiko sa sweet at pa-teetums character ni Barbie lalo na sa telebisyon. Kaya ‘yung wild na character niya sa Regal movie eh talaga namang shocking.
Nagmura, bumukaka at kung ano-ano pang kabaliwan ang ipinakita ni Barbie sa movie. Eh kayang-kaya naman niyang maging kikay kaya laugh trip ang nanood sa premiere ng movie.
Eh kapwa mga baliw din ang barkada niya sa pelikula na sina Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio, at Sassa Gurl kaya non-stop ang dulot nilang saya.
Sa movie, naipakita na double purpose pala ang puwedeng gamit ng washing machine, huh! Hahahaha!
