Bumaril sa jeepney driver arestado Sa Pagsanjan Laguna Boy Palatino

Sa Pagsanjan, Laguna
Bumaril sa jeepney driver arestado

CAMP BGen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna — Naaresto ang isang lalaki sa isinagawang hot pursuit operation laban sa suspek sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng isang jeepney driver sa Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna noong 17 Hulyo 2026.

Sa ulat kay PCol. Sandro Jay DC Tafalla, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, kinilala ang naarestong suspek sa alyas na John Paulo, 29 anyos, residente sa Pagsanjan, Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pagsanjan Municipal Police Station sa pamumuno ni P/Major Gerald P. Balansi, Officer-In-Charge, habang nakatayo ang biktima sa isang talyer noong 17 Hulyo 2026, dumating ang suspek sakay ng isang motorsiklo at nagtanong kung magkano ang pagpapapintura ng bubong ng isang tricycle.

Habang nag-uusap, biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan nang ilang ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima saka mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Agad isinugod ang biktima sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna, ngunit idineklarang dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Kaugnay ng insidente, agad nagsagawa ng dragnet at hot pursuit operation ang Pagsanjan MPS hanggang madakip ang suspek sa Lumban-Kalayaan National Highway sa Brgy. Lewin, Lumban, Laguna.

Dakong 11:00 ng umaga, 19 Hulyo, sa operasyon ng Pagsanjan MPS kasama ang isang tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Laguna PPO, namataan nila ang suspek na tumutugma sa deskripsyon, kabilang ang puting T-shirt na may markang ‘concis’ sinabing suot nito nang isagawa ang krimen.

Agad pinara ng mga operatiba ang suspek, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakompiska mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistol, isang magazine ng kalibre .45, 12 bala ng kalibre .45, isang gun stabilizer, itim na Redmi cellular phone, salaping nagkakahalaga ng P3,162, apat na face mask, isang volunteer sling bag, brown wallet, iba’t ibang dokumento, at isang Yamaha Sniper 155 motorcycle, kulay asul, kasama ang susi nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pagsanjan MPS ang naarestong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong Murder at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa pahayag ni PCol. Tafalla, “Binabati ko ang Pagsanjan Municipal Police Station at ang Provincial Intelligence Unit, Laguna PPO, sa kanilang mabilis, mahusay, at hindi matatawarang dedikasyon sa pagtugis sa tumakas na suspek. Sa loob lamang ng halos dalawang araw ay matagumpay nila itong naaresto. Ang operasyong ito ay patunay ng matatag na pangako ng Laguna PPO na tiyaking mananagot ang mga lumalabag sa batas at maipagkakaloob ang hustisyang nararapat para sa mga biktima ng krimen. Patuloy naming pinatitibay ang aming kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Laguna.” (RODERICK PALATINO)

slot gacor

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

RAJAKING

rajaking new

RAJAKING

RAJAKING

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

rajaking

cancertoto

rajaking

MALUKUTOTO

ngawitoto

ngawitoto

ngawitoto

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RACUNTOTO

RACUNTOTO

RACUNTOTO

RACUNTOTO

RACUNTOTO

RACUNTOTO