Viva One at Viva Records magbabakbakan sa Viva All Stars Games 2026
I-FLEX
ni Jun Nardo
SAGUPAAN sa Araneta Coliseum basketball ang Viva One artists at Viva Records sa magaganap na All Star Games sa August 16.
Team Viva One at Team Viva Records ang magbabakbakan sa court na ang former PBA players na sina Jerry Codinera at Ronnie Magsanoc ang nag-training at coach ng dalawang grupo.
Sa Viva One, lamang sa kalaban ang matangkad na si Gab Lagman na pangarap maging basketball player bago inagaw ng showbiz. Kasama niya sa team ang batak na ring basketball player na si Lance na nakasali na sa Palarong Pambansa at dating player ng Ateneo basketball team. Nakasama niya ang yumaong si Rene Baterbonia.
Ang iba pang kasama sa Team Viva One ay sina Marco Gallo,Joseph Marco, Jerome Ponce, Rabin Angeles, Jairus Aquino Kyoso Guinto, PJ Rosario, Jac Abellana, Dann Aquino, at Martin Venegas.
Sa Team Viva Records, si Arthur Nery ang team captain at sanay sa basketball ang Bagets cast na si Migo Valid at si Adie. Kasama rin sa grupo sina Miel Sol, Rob Deniel, Matthios, Nik Makino, Lesther Abano, Eugene Layug, Jeremy G, Juan Caoile, at Steven of Cuatro.
Bilang pampakilig, may Cheerdance competition na talaga namang ikaaaliw ng manonood.
Sina Heaven Peralejo, Bea Binene Angela Munji, Rhen Escano ang mangunguna sa Team Viva One.
Sa Team Records, sina Aubrey Caraan, Krisha Viaje . Hans Mercado at iba pa ang ilan sa kalahok.
Unforgettable basketball action at electrifying performances ang handog ng Viva All Stars Games 2026sa August 16.
