DALAWANG batang magkapatid, edad 8 at 10 anyos, ang nawawala nang tangayin ng malakas na agos ng baha sa pag-apaw ng ilog sa Barangay Mapagong, Calamba City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), hindi pa nakikita ang ang dalawang bata, habang nasagip ang kanilang ina na tinangay ng flashflood sa nasabing lugar.
Ilan sa mga nailigtas ay kinilala sa mga pangalang Regine, Gilbert Atasan, at Jared Benitez.
Isinisi ang pag-apaw ng ilog at pagbaha dahil sa malalakas na pagbuhos ng ulan na sinabing naapektohan ang kabahayan sa tabi ng pampang ng ilog hanggang masira at natangay ng flashflood.
Iniulat na anim bahay ang tinangay habang nasa 22 katao ang napinsala sa insidente at ang mga pamilya na naapektohan ay inilikas.
Patuloy ang pamamahagi ng relief goods ng pamahalaang lungsod sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.
