MTRCB nagdaos ng Cybersecurity Awareness Seminar 2026
HARD TALK
ni Pilar Mateo
IBANG klase ang “break” para sa mga opisyal at empleado ng isang responsableng sangay ng pamahalaan na nagtataguyod ng pangangalaga sa panonood ng bawat tahanan sa telebisyon at sa pelikula—ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang isinagawa kamakailan.
Sa pagdaraos ng Cybersecurity Awareness Seminar 2026 na inihain ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kabilang sa pangako na palakasin ang kaalaman sa cybersecurity ng naturang ahensiya ng gobyerno para sa mga datos at transaksiyon na isinasagawa.
Pormal itong binuksan ng pambungad na pahayag ni MTRCB Executive Director II Roberto Diciembre. At pagpapakilala na rin sa Information Systems Researcher ng DICT Cybersecurity Bureau na si G. Kris Rodzen G. Delos Santos.
Iminulat ni Delos Santos ang mga pagharap sa mga isyu na gaya ng cybersecurity threats na spearphishing, phishing at smishing, data breaches , ransomware, malware infiltration at iba pa.
Iginiit ni Delos Santos ng paulit-ulit, “Bilang pundasyon ng public service, ‘cybersecurity is a shared responsibility’ at ang best defense against cyber threats ay ang awareness and preparation.”
Sa pamamagitan ng proactive initiatives na isinasagawa ng MTRCB nabibigyan nito ang mga opisyal at empleado ng “alert mindset and digital tools” na kinakailangan para maprotektahan ang integridad ng “data and digital spaces” sa pamahalaan upang mas umigting pa ang pagsisilbi sa publiko. Offline man o online.
Isang masayang workshop para sa mga empleado ang isinagawa na hinati sa limang grupo ang participants.
Binigyan ng mga scenario at inilagay sa tamang pagsunod-sunod ng mga proseso na dapat gawin ang binuo ng bawat grupo. Mga worst case scenario.
Unahan. At may nanalo. Ang group two. Na kinabilangan nina Rhea Lyn Malapad, Rizalie Esguerra, Diana Dela Cruz, Maricel Areglo, Alvin Malto, Ma. Queenzel Orilla, Clark Paglinawan, Van Erick Mercado, Alexander Talagtag. At ang inyong lingkod!
Maraming natutunan. Salamat sa paliwanag ni G. Delos Santos.
Ang susunod naman ay ang team-building ng mga opisyal para sa mas marami pang ihahaing kaalaman sa #ResponsablengPanonood.
