Heart nanguna sa Top Celebrity Voices saHaute Couture Week
PARA matahimik ang nagtsistsismis sa kanyang kapitbahay, magsusumbong si Heart Evangelista sa barangay para magkaroon ng record ang tsismosang neighbor.
‘Yan ang choice ni Heart nang tanungin ng co-host na si Sean Lucas sa game show nila last Saturday na The People Have Spoken.
Sa naturang show, lumalabas ang opinion ni Heart sa mga tanong na ipinupukol din sa celebrity contestant.
Kaya nakikilala nang husto ng tao ang fashion icon sa mga sagot niya sa tanong sa show.
Samantala, nanguna si Heart sa Top Celebrity Voices in Haute Couture by Media Impact Value (MIV) na may $7.5-M value.
Number 2 and 3 naman sina Esha Gupta ($1.7-M) at Jennifer Lopez na may $1-M value.
Bongga talaga si Heart!
