Blue Dreamers PH

Blue Dreamers PH naka-2 award agad

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI pa man nagtatagal sa music industry ang Ppop group na Blue Dreamers Ph ay dalawang award kaagad ang kanilang natanggap.

Una riyan ang Breakthrough PPop Group Artist of the Year sa 17th PMPC Star Awards for Music at sa The 2nd Asia Pacific Topnotch Men and Women Achievers Awards bilang Most Promisiing Ppop Group Artist of the Year.

Dalawang buwan pa lang ang nakalipas nang una silang ipinakilala sa publiko sa pamamagitan ng isang presscon noong May 7, 2026 at ngayon nga ay unti-unti na silang gumagawa ng pangalan sa local music industry.

Ang Blue Dreamers Ph ay kinabibilangan nina Jaitex, XanXan, Jarred, Shayne, at Zhian.

Sa ngayon ay busy ang grupo sa promotion ng kanilang songs na Lowkey Tayo at Dance Tayo bukod pa sa kanilang solo teen show sa Iflix na Igee Studios na napapanood tuwing Linggo ng gabi.