Fyang at JM idolo ng KoShelleine
MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKAS ang dating ng tambalang KoShelleine (Kosuke at Shelleine) na parehong alaga ng Lord of Soap at CEO & President ng Prestige International na si Mannix Carancho.
Sa ginawang pagpapakilala sa kanila bilang part ng 72 Talents ng Mannix Carancho Talent Management ay dalawa sila sa napansin agad ng mga invited press, dahil marahil sa napakaganda ng kanilang PR na marunong bumati at laging may handang ngiti para sa lahat.
Kuwento nina Kosuke at Shelleine na malaki ang ipinagpapasalamat nila kay Mr. Mannix dahil nang maging alaga sila nito ay nabibili na nila ang mga gamit na gusto nila at nakatutulong pa sila sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpo-promote ng mga produkto ng Prestige.
Tsika nga ni Shelleine, “Thankful po ako kay Sir Mannix dahil tinanggap niya po ako nang nag-audition ako sa kanya.
“Kaya po ngayon nakatutulong na po ako sa pamilya ko, ‘yung mga pangangailangan nila naibibigay ko na po.
“At nabili ko na rin po ‘yung gusto kong cellphone at ibang mga bagay na wala ako noon.”
Dagdag naman ni Kosuke, “Ako naman po nabibili ko na ‘yung mga gusto kong damit at gamit.”
Nagpapasalamat din ang dalawa sa suportang ibinibigay ng kanila ng mga loyal fan nila.
Umaasa sina Kosuke at Shelleine na katulad ni Fyang Smith na alaga rin ni Mr Mannix at nagsimula rin bilang ambassador ng Prestige at ngayon ay sikat na ay maaabot din nila ang kasikatan na kanilang pinapangarap.
Kung mabibigyan nga sila ng pagkakataong magkaroon ng proyekto sa TV at film ay gusto nilang makasama sina Fyang at JM Ibarra na pareho nilang idolo.
