Aubrey at Lance sweetness ‘di maitago
RATED R
ni Rommel Gonzales
KAHIT sabihin nila na matalik lamang silang magkaibigan ay marami pa rin ang naniniwalang may malalim na relasyon bilang mag-bestfriend sina Aubrey Caraan at Lance Carr.
Nito ngang nakaraang mediacon ng Rosario ay kapansin-pansin ang madalas na pagpatong ng kamay ni Aubrey sa hita ni Lance.
Pero ayon sa paliwanag ng dalawa, best of friends [pa] lamang sila ngayon.
“We’re really good friends, like, parang ano kami… ‘yung sinasabi ko totoo po talaga, like, best friend ko siya,” lahad ni Aubrey.
“Ang best friend ko po talaga siyempre ‘yung sister ko, pero wala akong guy best friend, kumbaga, na nasasabihan ko ng lahat-lahat.
“Sa mga hindi po nakakaalam, I live alone here in Manila. Ako lang po talaga,” anang aktres.
At si Lance ang madalas nakakasama ni Aubrey sa mga ganap niya kahit sa labas ng showbiz.
“And si Lance, madalas kaming nagkakatrabaho, so siya minsan ‘yung sumasama sa akin sa mga errand ko.
“Kunwari kailangan kong mag-grocery, pero ang dami kong bitbit, so magpapasundo ako.
“Ganoon ‘yung level of closeness namin ni Lance,” dagdag pa ni Aubrey.
Sinegundahan ito ni Lance. “‘Yun din po ang ibinilin ng mama niya sa akin.
“Since si Aubrey lang po ang mag-isa rito, kung puwede I can extend a helping hand to her.
“Kung kailan niya ako kailangan, parang I make sure naman na nandiyan ako for her, kung anuman ‘yung kailangan niya.”
Pero wala mang relasyon sa ngayon, aminado naman sila na posibilidad na maging sila.
Lahad ni Lance, “Nakikita ko naman na girlfriend material si Aubrey!”
Sinagot naman ni Aubrey na boyfriend material si Lance, na agad sinagot ni Lance ng, “Akala ko, husband material?”
Kilig man ang hatid ng magka-loveteam, sa horror film na Rosario ay mananakot mula sila kasama sina Rose Van Ginkel, Yumi Garcia, Bernadette Allyson, Meg imperial, Jairus Aquino at Suzette Ranillomula sa Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Agosto 5, 2026, sa direksiyon ni Roni S. Benaid.
