Vic Sotto Vice Ganda

Vic-Vice nag-usap, movie sa MMFF tuloy na 

I-FLEX
ni Jun Nardo

INAABANGAN ng publiko ang magiging resulta ng pag-uusap nina Vic Sotto at Vice Ganda na kahapon, Linggo, nagtakda silang magharap sa Gateway Mall sa Cubao, QC, 4:00 p.m..

Malakas ang ugong na ang pelikulang pagsasamahan ang pag-uusapan nina Vic and Vice.

Eh nang may lumabas na meme sa Facebook ng pagsasama ng dalawang higante sa takilya ng isang tao na tila kasama sa movie, naganap na ang batian nina Bossing at Meme sa kanya-kanyang noontime show!l.

Exploratory talks for a movie? Eh bukas, Martes, ilalabas na ng MMDA ang pasadong script para sa unang apat na entries sa MMFF 2026.

May excitement na namang muli sa MMFF 2026!