WilBea muling magpapakilig
I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI lang ang magpakilig sa fans ang mapapanood sa comeback series ng Wil-Bea loveteam nina Wilbert Ross at Bea Binene na Love U Lots.
Matutunghayan din ng manonood ang character ni Bea na may Dissociative Identity Disorder (DID).
Of course, puno rin ng kilig moments ng series na ikatutuwa ng kanilang fans na sumuporta sa kanila nang magsama sa The Golden Scenery of Tomorrow.
Naku, sa mediacon ng series sa Robinson’s Manila, nakabibingi ang sigawan at tilian ng fans nila lalo na kapag may pahayag si Wilbert tungkol kay Bea na wife material.
Mula sa direksiyon ni Victor Villanueva, sa July 24 ang premiere ng Love U Lots sa Viva One na may fresh episode every Friday.
