Joel Lamangan Joey Reyes JM Ibarra

Direk Joel at Direk Joey hangang-hanga kay JM Ibarra

MA at PA
ni Rommel Placente

DALAWANG batikang direktor ang humahanga sa husay sa pagganap ni JM Ibarra. Ito ay sina Direk Joel Lamangan at Direk Joey Reyes.

Sa guesting kasi nila sa Fast Talk with Boy Abunda“, ay natanong sila ng King of Talk, kung sino para sa kanila  ang standout sa mga batang artista ngayon.

Sagot ni Direk Joey, JM Ibarra. Napanood ko siya sa ‘Child No. 82’ sa Cinemalaya, at saka napanood ko siya sa ‘Almost Us’ na idinirehe ni Dan Villegas. Kung babalik ako sa pelikula at may gagawin akong pelikula, sana mabigyan ako ng pagkakataon na idirehe si JM Ibarra.”

Sabi naman ni Direk Joel, “Napanood ko rin ang batang ‘yan. Napakahusay niya. Gusto kong maidirehe rin siya.”

Siguradong proud kay JM ang kanyang ka-loveteam na si Fyang Smith, dahil dalawang mahuhusay  na direktor ang  humahanga sa galing niya sa pag-arte.