Tuesday , June 23 2026
Mt Apo Summit

Hiker sa Mt. Apo nahulog sa tinuntungang bato

HIMALANG nakaligtas ngunit sugatan ang isang 37-anyos hiker nang mahulog mula sa tinutuntungang bato nang hampasin ng malakas na hangin habang inaakyat ang Mt. Apo nitong Sabado, 30 Mayo.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:00 ng umaga sa Sta. Cruz trail ng Mt. Apo habang binabagtas ng grupo ng hiker na kinilalang si Glaiza Principe, residente sa Quezon City, ang nasabing trail, ay biglang humangin nang malakas, dahilan upang mawalan siya ng balanse at mahulog sa white sand area na tinatayang may lalim na 30 metro.

Agad siyang sinaklolohan ng kaniyang mga kasamang climber at humingi ng tulong sa rescue team.

Mabilis na nagresponde ang rescue team at agad na dinala sa pagamutan ang biktima.

Kasalukuyang nasa ligtas nang kalagayan si Principe at nagpapagaling sa Digos Doctors Hospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …