Wednesday , June 17 2026
handcuff sex posas

Bebot na nursing student kalaboso sa sextortion
Nangikil ng P.6-M ‘enrollment fee’

NASAKOTE ang isang babaeng nursing student sa entrapment operation ng Pasig City Police nang ireklamo ng isang empleyado ng banko sa Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police Station dakong 2:30 ng madaling araw nitong Sabado, 23 Mayo 2026 nang madakip ang suspek sa isang coffee shop sa nabanggit na lungsod.

Batay sa reklamo ng biktima, mula pa noong Marso ng taong kasalukuyang ay hindi siya tinatantanan ng pananakot ng suspek na ibubulgar ang kanilang mga pagtatalik kung hindi siya magbibigay ng pera.

Sa kabila ng mahigit dalawang buwan ay umabot sa P600,000 ang mga ‘nakikil’ nito sa kanya hanggang muling nangulit at nanghihingi ng P6,000 para ipambayad ngayong enrollment.

Kaya nagpasya ang biktima na humingi ng tulong sa pulisya.

Agad ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nakapiit na ang suspek na sinampahan ng reklamong Robbery (Extortion).  (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …