USISAIN ang mga kaganapan sa sports na Roll Ball at Kabaddi sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Pangungunahan ni Philippine Roll Ball Association president Tony Ortega ang mga opisyal at atleta ng Roll Ball, habang inaasahang magbibigay ng kaalaman at programa si Philippine Kabaddi Federation Secretary General Mitch Lazaro sa sports forum na nakatakda ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Inaanyayahan ni TOPS president Nympa-Miano Ang ng pahayagang Bulgar ang mga opisyal, miyembro at sports enthusiasts na makibahagi sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa opisyal Facebook page TOPS Sports, Bulgar Sports, Sportek.ph at Sports Corner. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com