Saturday , June 13 2026
PFF Futsaliga
LUMUSOT ang PFF Futsaliga U17 Boys’ MVP na si Franc Obias (kanan) ng Star FC kay Jhon Kyle Balcos (kaliwa) ng EMA Bulacan Highlanders sa kanilang laban sa finals. PINASAYA ng Finals Player of the Match na si Ramil Fraga, Jr., ang nagdiriwang na mga tagasuporta ng Star FC sa kanyang apat na goals. (PSC/Henry Vargas)

Champion Star FC umiskor ng 9 goals, PFF Futsaliga U17 Boys winalis

MULA sa liblib na kabundukan ng Sierra Madre sa Tanay, Rizal sumikat ang isang maliit ngunit matinding koponan matapos magkampeon ang Star FC sa inaugural PFF Futsaliga U17 Boys’ Division na hatid ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sa harap ng 1,541 nagbubunying manonood sa PhilSports Arena noong Linggo, 18 Mayo, walang awang dinurog ng Star FC ang EMA Bulacan Highlanders, 9-4, upang maiuwi ang gintong medalya at tropeo ng kampeonato.

Hindi naging madali ang landas ng Star FC. Bawat linggo, bumibiyahe sila nang ilang oras mula Barangay Sampaloc, Tanay para makalaro sa House of Futsal. Ngunit lahat ng sakripisyo ay nagbunga matapos nilang makamit ang pinakamalaking tagumpay sa kasaysayan ng kanilang barangay.

Taglay ang walang humpay na opensa, mabilis na galawan, at matinding teamwork, pinatunayan ng Star FC kung bakit sila ang pinakamainit na koponan sa torneo.

Naunang umiskor ang Bulacan sa tulong nina Charlson Vidal at Jhon Kyle Balcos, ngunit mabilis din gumanti ang Star FC sa pamumuno nina Mark Filnan Samonte, season MVP Franc Obias, at Finals hero Ramil Fraga, Jr.

Nagpasiklab si Fraga matapos umukit ng apat na goals sa finals habang patuloy na nagpasakit ng ulo sa depensa ng Bulacan sina Obias at Jayden Cruz.

Bagama’t nakadikit pa ang laban sa first half, tuluyang naghari ang Star FC sa second half matapos rumatsada nang sunod-sunod na goals hanggang tuluyang mabasag ang depensa ng EMA Bulacan.

“Sobrang saya kasi hindi namin inakala na magiging kampeon kami rito,” ani Fraga.

Ayon kay Star FC manager Marianita Fulgado, malaking tulong ang grassroots development para mailayo sa bisyo at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa Tanay.

“Sana mas marami pang bata ang mabigyan ng pagkakataon sa futsal para makatulong sa kanilang pag-aaral at pangarap,” saad ni Fulgado.

Samantala, nakuha ng Paul Stiga Academy ang bronze matapos tambakan ang Nemesis FA, 4-0, habang itinanghal na Plate champion ang Antipolo City FC matapos talunin ang Manila Futsal Team, 4-2. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PSC Pato Gregorio Ateneo Student Athletes

PSC, sports stakeholders nagkaisa sa mga reporma kasunod ng trahedya sa Ateneo student-athletes

PINASASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education …

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Pilipinas nakatakdang mag-host ng Asia Pacific Padel Cup 2026

HANDA na ang lahat para sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2026, habang naghahanda ang …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

Pato Gregorio Alas Pilipinas Volleyball

Gregorio sa Alas: Unahin ang bansa, isantabi ang isyu sa pederasyon

CANDON CITY — Hinimok ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pató” Gregorio ang Alas …

Asian Rowing Beach Sprint Championships

Gregorio: Mga Pinoy rower, kayamanan ng Philippine Sea

KUMINANG na parang ginto at sumilay na parang pilak ang Team Philippines sa Asian Rowing …