Thursday , June 11 2026
Arrest Shabu

Checkpoint iniwasan  
Motorsiklo ng 2 riders bumangga sa truck
  P.34-M shabu sumambulat sa ‘disgrasya’

NADISKUBRE ng mga awtoridad na may dalang hinihinalang shabu ang dalawang magkaangkas na rider matapos iwasan ang checkpoint at bumangga sa truck ang minamaneho nilang motorsiklo sa McArthur Highway, Brgy. Saluysoy, sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 17 Mayo.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Melvin Florida, Jr., hepe ng Meycauayan CPS, sangkot sa insidente ang isang Mio Soul motorcycle na minamaneho ng suspek na kinilalang si alyas Andy, 39 anyos, kasama ang kaniyang backride na si alyas Kim, 28 anyos, kapwa mga residente sa Caloocan City.

Napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo ang northbound lane, napansin ng rider ang police checkpoint dahilan upang pabilisin ang takbo hanggang bumangga sa isang nakaparadang tractor head truck sa gilid ng kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang motorsiklo at sugatan ang dalawang sakay na agad isinugod sa pagamutan para sa agarang lunas.

Sa isinagawang responde, napansin ng mga operatiba na nakabukas ang top box ng motorsiklo kung saan tumambad at nagkalat sa kalsada ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nasamsam mula sa pinangyarihan ng insidente ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Dinala sa Meycauayan CPS ang sasakyan at nakompiskang mga piraso ng ebidensiya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang sasailalim sa forensic examination ang mga hinihinalang ilegal na droga.

Binigyang-diin ni P/Col. Jay Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, na patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang maprotektahan ang komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Most wanted na manyakis, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa …

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

arrest, posas, fingerprints

5 ‘Gen Z boys’ timbog sa pangmomolestiya ng Columbian tourist

LIMANG kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmomolestiya sa isang turistang Colombian national, …