I-FLEX
ni Jun Nardo
BATA pa lang eh ginusto na ni Sue Ramirez na magkaroon ng anak. Pero habang tumatanda siya eh napag-isip-isip niya ang responsibilidad ng isang ina.
Eh ngayong nag-mature na si Sue, gusto na niya maging nanay gaya ng kanyang ina.
“Ready na ako magkaroon ng baby!” bulalas ni Sue sa mediacon ng Regal movie niyang Project Babypairing her with singer-composer na si Rico Blanco.
At aprubado rin kay Sue na maging ama ng baby niya eh ang boyfriend na si Dominic Roque.
“He’s a good and responsible person. Puwedeng siya ang maging ama ng magiging baby ko!” diin ni Sue.
Si Sue ang naging girlfriend ni Dominic after na hindi matuloy ang kasal with Bea Alonzo na hindi alam ng publiko kung ikinasal na bang talaga sa boyfriend na si Vincent Ko.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com