SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAKABIBINGIang tilian ng mga nanood ng launching movie nina JM Ibarra at Fyang Smith na handog ng Regal Entertainment at Project 8 Projects, ang Almost Us.
KUNG gaano katagal ang kissing scene ng JMFyang sa eksenang may halikan, ganoon din kahaba ang tilian na may kasamang palakpakan. Ramdam din ang pagkakilig ng manonood na bato ka na lang kung hindi tatablan o kikiligin.
Nagkamali kami noong una sa sapantaha namin na kapareho rin ito ng mga karaniwang romcom movie na napapanood namin.
Dahil na-enjoy talaga namin ang pelikulang idinirehe ni Dan Villegas. Natural na natural umarte ng dalawa at tama ang tinuran ni Ms Roselle Monteverde ng Regal, nakikita niya si Maricel Soriano kay Fyang.
Na siyang totoo. Sa pagbato ng komedya ni Fyang, Maricel na Maricel ang dating nito na tiyak kong hindi sinasadya pero kusang lumalabas.
Ibang klase bumato ng linya si Fyang at siguro’y dahil na rin sa maganda at magaling ang sumulat ng kuwento ng Almost Us. Ang galing ng linyahan o dialogue.
Hindi binigo ng tambalang JMFyang ang kanilang fans and supporters, pati na kaming members ng entertainment media dahil ang galing nilang magpatawa, magpaiyak, at magpakilig.
Sulit ang pagpupuyat at paghihintay at sumugod sa SM Megamall para sa Grand Premiere Night ng Almost Us.
Nakikita naming tama lang ang bansag sa JMFyang bilang next important stars ng Philippine showbiz.
Kahanga-hanga rin si JM na magaling magparamdam sa audience ng iba’t ibang klase ng emosyon na effortless niyang nagagawa.
Kaya naman hindi kataka-taka na mula umpisa hanggang ending, hindi bumitaw ang audience sa pagtili, pagpalakpak, at pagkakilig. Dahil iyon sa husay ng JMFyang.
Naku kung gusto ninyong maaliw at kiligin, watch n’yo ang Almost Us dahil nag-uumapaw ang kemistri ng dalawa.
Maganda ang kinalabasan ng Almost Us dahil na rin siguro sa professionalism ng dalawa.
Sabi nga ni direk Dan, “When I work with someone, it’s more of… there are many talented people, but what’s important is the attitude.
“So, when we started shooting, I told them, ‘If we’re going to work together, know these three things — you come to work on time, memorize your lines, and don’t step on set without bringing something to the table.’
“And they exceeded my expectations. They arrived early. Thirty minutes early. Then whenever they were on set, I never encountered them not memorizing their lines. We had sequences that were, my god, several pages long with continuous take.
“Third, I like working with actors who had their own take on the script, who had ideas on how to go about it.
“So we really took time before the shoot to discuss the script. And na-impress ako na may baon sila. Again the attitude is very important for me and that’s why I salute them,” wika pa ni Direk Dan.
Palabas na simula kahapon, May 6, sa mga sinehan nationwide ang Almost Us kaya watch na.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com