Thursday , June 4 2026
San Ildefenso Bulacan

Driver na gumahasa sa anak ng dating amo nasakote

ARESTADO sa pinaigting ma manhunt operation ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal na pinaghahanap ng batas nang matiyempuhan ito sa Brgy, Lapnit San Ildefonso Bulacan.

Sa report ni PLt.Col. Gilmore Wasin, kay OIC PNP Provincial Director PCol. Jay B.Baybayan, kinilala ang suspek na si alyas Gani 39-anyos, driver , residente ng Brgy, Poblacion Pulilan Bulacan.

Ang suspek ay kabilang sa Top 2 Most Wanted Person sa Region 3 na sangkot sa 4 na kaso ng Statutory Rape at 3 kaso ng Acts of Lasciviousness.

Ang mga isinampang kaso laban sa kanya ay may kaugnayan sa paulit-ulit na panggagahasa sa menor de edad na anak ng kanyang amo sa bayan ng Pulilan.

Napag-alaman na una nang nakulong ang suspek sa kasong paglabag sa RA9165 noong 2024, kung saan under probation ito kaya nakalaya.

Habang nagtatrabaho ito bilang family driver ay ang anak ng amo ang pinagdiskitahan ng kanyang pagnanasa na may kasamang pagbabanta hanggang bandang huli ay nagsumbong na ang biktima sa mga magulang.

Sa ulat ay ganap na alas -1:20 ng hapon nitong Mayo 3 nang masukol ang suspek ng mga intel operatives.

Isinilbi ng mga pulis ang warrant na may Criminal Case Nos. 813-M-2026 hanggang 819-M-2026, na inilabas noong Marso 25, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 79.

Walang inirekomendang piyansa para sa apat na bilang ng Statutory Rape habang may piyansang tig- Php 200,000.00 bawat bilang para sa tatlong kaso ng Acts of Lasciviousness laban sa akusado.

Kasalukuyang detenido ang naarestong suspek sa San Ildefonso Municipal Jail. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …