David Licauco Samahan Ng Mga Makasalanan

David napunta sa mga pugad ng makasalanan

I-FLEX
ni Jun Nardo

HINDI naman patatalo ang streaming app na  Prime Video dahil bukod sa original series nito eh nakalinya rin ang ilang local movies gaya ng Samahan Ng Mga Makasalanan na produced ng GMA Pictures.

Mapapanood na ito simula ngayong araw, April 24 na pinagbibidahan ni David Licauco na isang deacon at napunta sa pugad ng mga makasalanan.

Naniniwala ang deacon na may pag-asa pang magbago ang lahat sa lugar na Sto.  Cristo.

Pero may mga pagsubok na pagdaraanan ang deacon na inyong malalaman kapag napanood sa Prime. Mula ito sa direksiyon ni Benedict  Mique.