SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PAGKATAPOSng kanilang journey sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) Season 4, humarap sa media ang mga Star Magic artists na sina Akira Morishita at Jarlo Base sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference noong April 20, 2026, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN.
Binalikan ng dalawang versatile performers ang kanilang journey, mula sa mga nakakakabang first performances hanggang sa hindi malilimutang backstage moments. Ibinahagi rin nila kung paano hinubog ng kompetisyon ang pagiging individual artists at kung paano nabuo ang kanilang lifelong friendships.
Para kay Akira, na kilala bilang “Ace Idol” ng season, naging masterclass ang show para matutong maging present sa bawat sandali. Bukod sa mga prosthetics at vocals, binigyang-diin ni Morishita na ang tunay na pag-enjoy sa performance ang susi sa isang pangmatagalang production.
“Andoon pa ‘rin talaga ‘yung dapat i-feel mo, dapat mag-enjoy ka,” kwento ni Akira. “Dapat ‘yun ‘yung ginagawa namin every performance, sa ‘Your Face’ and outside ‘Your Face,’”sabi ni Akira.
Bukod sa mga trophy at high scores, parehong naniniwala ang dalawa na ang pinaka-best part ng kanilang experience ang kanilang nabuong samahan.
Ikinuwento ni Jarlo, ang “Breakout Crooner” ng season, na ang birthday celebration ng fellow contestant na si Alexa Ilacad ang isa sa kanyang favorite memories.
“Doon ko unang na-feel na hindi ko lang pala work friends lang pala ‘to, friends ko talaga, family. Patapos na ‘yung season eh, doon ko na-feel na ‘ah mami-miss ko talaga silang lahat’,” sabi ni Jarlo.
Naka-set na ang dalawang Star Magic artists na i-expand ang kanilang creative horizons.
Samantala, sasabak muli si Akira kasama ang kanyang co-BGYO members sa kanilang upcoming projects habang patuloy naman si Jarlo sa pag-hone ng kanyang singer-songwriter skills para sa mga upcoming solo releases.
Kahit may kanya-kanyang karera, open ang dalawa na magkatrabaho muli after YFSF.
Bitbit nina Akira at Jarlo ang kanilang versatility at resilience na natutunan sa YFSF stage. Ang kanilang growth mula sa “Iconator” hanggang sa performances ngayon ang nagsisilbing patunay na isa sila sa mga pinaka-promising Star Magic artists.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com