I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGKASUNOD ang dalawang pasiklab shows ng TV na mapapanood simula April 27.
Bigatin ang unang pasiklab na A Secret In Prague dahil bida rito ang Ultimate Heartthrob na si Enrique Gil at Gen Z Queen na si Andrea Brillantes na mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m..
Co-production ito ng Slingshot Productions na isa sa partners si Quen.
Impressive ang backdrop ng series na kinunan sa Prague sa Czech Republic. Mula ito sa direksiyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.
Kasunod ang series nina Enrique at Andrea, ang inspirational series na My Bespren Emman na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Shaina Magdayao.
Ang ganda ang teaser ng series na isang malaking aksidente ang naganap sangkot si JM at isang kamay ang tutulong sa kanya habang papalubog sa tubig.
Sa naglalakihang series, handang-handa ang TV5 na makipagsabayan sa ibang networks!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com