Thursday , June 4 2026
Jodi Sta Maria Sanya Lopez Loisa Andalio Jane Oineza

Jodi Sta Maria nag-Japayuki

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBINAHAGI  ni Jodi Sta. Maria sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda ang nakaaaliw na karanasan nila sa Japan kasama ang mga Midnight Girls co-star na sina Sanya Lopez, Loisa Andalio, at Jane Oineza na nagtrabaho sila bilang mga Japayuki  sa isang bar.

Bahagi ito ng kanilang immersion para sa nabanggit na pelikula ng direktor na si Irene Emma Villamor.

Kuwento ni Jodi, “Ang ‘Midnight Girls,’ Tito Boy, istorya siya ng apat na babae na nakipagsapalaran sa Japan. Makikita mo rito ‘yung kanilang buhay, ‘yung kanilang istorya, ‘yung sakripisyo na kailangan nilang gawin, ‘yung pagbibihis nila ng iba’t ibang pagkatao para lang lumaban at makalaban.”

Ibinahagi rin ng aktres ang tungkol sa bawat karakter at persona ng mga babaeng Overseas Filipino Worker sa Japan bilang bahagi rin ng pagsasakripisyo.

There’s always a persona, there’s always a role that you have to portray; but with these girls, nanggagaling sila sa kailangan nilang mag-survive hindi lang para sa mga sarili nila, kung hindi para sa mga mahal nila sa buhay, at para sa mga pangarap nila.”

Mahalaga raw para sa kanila nina Sanya, Loisa, at Jane na maranasan ang dinanas ng mga performer sa Japan para mas maintindihan nila ang tunay na kuwento ng buhay ng mga ito.

It is important for us, doon sa character namin na truly maintindihan ‘yung lalim ng pinanghuhugutan, ‘yung pinanggagalingan ng mga babae, ng mga istorya na ilalahad namin.

Part doon is ‘yung immersion, kailangan naming pumunta sa isang omise, hindi alam ng mga client, ng mga Hapon. Ang iniisip lang nila, ang pakilala lang sa amin, kami ay mga bagong salta.

“So, siyempre nandoon ako sa Japan bilang si Yuki, kilala nila ako bilang si Yuki. So ayun, you just have to do whatever to make them happy.

“You just entertain. You sing, dance, you make kuwento, basta maayos sila sa iyo.

“Nagkaroon kami ng isang day where we have to perform, mayroong centerstage roon. We have to sing, and then dance, and binigyan nila kami ng mga tip.

“’Yung unang client na nag-table sa akin doon,  siyempre asang-asa ako na magkakalapad ako, ‘di ba? 

“Binigyan ako ng kape! Hindi ko alam kung bakit kape. Itinago ko ‘yung kape, iniuwi ko sa Philippines. 

“May isa naman doon na binigyan ako ng isang bote ng mamahaling whisky.

“’Yung lapad na natanggap ko, iyon ang nag-sustain sa akin for one month, iyon ‘yung ipinambibili ko ng mga kung ano-ano, pang-everyday,” kuwento pa ni Jodi.

Maingat daw ang mga Hapon sa pakikitungo sa performers. 

Nagpasalamat din si Jodi sa performers na tinawag nilang “mama” na siyang nag-ingat sa kanila na hindi makaranas ng kahit ano mang uri ng harassment.

They are very careful with that, kasi kapag na-offend ‘yung mga babae, we can easily report them to the police, and medyo maingat sila sa mga ganoon.

“We’re also thankful sa aming mga “mama” na nandoon because they really care of us.

“Hindi na kailangang umabot sa punto na may ma-harass na isa sa amin. I just can imagine kung paano sila, ‘yung buhay nila. I’m sure nangyari ito sa kanila, and hindi ito madaling sitwasyon.”

Mapapanood ang Midnight Girls sa mga sinehan simula May 13, at ang producer ay ang actor/director na si Edgar Mortiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …