Teacher Jobel Dayrit D Grind Presents D Purpose

Teacher Jobel tuwang-tuwa D Grind Presents matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

TINAO ang katatapos na D Grind Presents: D Purpose 2026- Bulacan A Dance Recital  X Dance Concert last April 20, 2026 na ginanap sa Baliuag Star Arena sa pakikipagtulungan  ng 

ST. Mary’s  College of Baliuag. 

Post ni Teacher Jobel Dayrit, choreographer at founder ng D Grind na most awarded dance group sa bansa sa kanyang Facebook account na pasasalamat siya sa tagumpay ng kanilang recital x  dance concert.

Saludo ako sa bawat isa sainyo!!!

Maraming salamat D’GRIND TEACHERS! 

Lubos ko kayong ipinagmamalaki. Ang inyong passion at commitment ay inspirasyon hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa akin.

“Maraming maraming salamat sa inyong puso, talento, at dedikasyon.

“Walang imposible!!! Mararating ang lahat ng pangarap para sa pamilyang to!!! MMM

I love you All!!!!!

“Kampay sa napakatinding tagumpay forever and ever!!! THANK YOU LORD for everything!

Kyle Francis Mabasa

Christian Paul Mauricio

Arcelyn Rasonable Lualhati

John Robin Torres

Christine S. Uy

Karl Garcia Manalo

Brinne Dôminic Baguisi

Nan Portus”

Nagpasalamat din ito sa host ng recital x dance concert na sina dating beauty queen Cam Lagmay Newsome at Jazper Tiongson at sa direktor nitong si Frank Lloyd Mamaril gayundin sa mga celebrity na nag-perform na sina Kych Minemoto, Maxie Andreison atbp..

Thankful din ito sa mga workshopper at parents ng mga ito at sa mga taong nanood sa kanilang recital at dance concert.