Thursday , June 4 2026
Arnell Arevalo Ignacio

Arnell naging therapy pag-aalaga ng isda

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MATAGAL na inipon ni former OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Administrator Arnell Arevalo Ignacio ang dagok na dumating sa buhay niya. Nang masampahan siya ng kaso sa bintang na inilalaban pa rin niya hanggang ngayon.

Nagdusa sa kanyang mental health si Arnell. At kung wala sa tabi ang anak na si Sophia (Pie) malamang na mas lumala pa ang anxiety na araw-gabi nitong kinaharap sa buhay.

Ang mga alaga niyang isda (bukod sa mga aso) ang naging kasa-kasama ni Arnell sa loob ng kanilang tahanan.

Kung bakit gustong-gusto niyang pinakakain lang ang mga alaga niyang isda.

Nagsilbing therapy pala ‘yun sa kanya.

Umabot na nga raw kasi siya sa puntong ang pag-aalala sa mga alaga niyang OFWs ang naiisip niya sa tuwing pakakainin ang mga ito na nag-uunahang umakyat sa  ibabaw ng aquariums niya. Ilan nga ba. Dalawa sa sala. Isa ba sa kwarto. At sa veranda. At malalaki, ha. Kaya sa bawat sulok ng bahay niya may nagpapaalala palagi sa mga OFW na alaga niya sa lahat ng panig ng mundo.

Ilang panahon ‘yun. Nang sinakluban siya ng langit at lupa. Nang wala ng dumamay sa kanyang pagka-lugmok. Kung saan ang mga inakala niyang natulungang mga tao’y makikitaan niya kahit kapirot na pagdamay.

Hindi pala. Idinikdik pa siya.

May mangilan-ngilan.  Na nanatili pa rin ang tiwala sa kanya. Nakakasama man o hindi.

Hanggang muling nagkaroon ng tiwala sa sarili. Nagkaroon ng maliit na karinderya.

Lugaw Haus. Kilala niya ang may-ari ng lupa. O pwesto. Natinal Artist. Sa mundo ng pagsasayaw.  Isang Amilbangsa.

Nasimulan ang isang munting kainan. Maliit na kusina lang. Pero sa pagdaraan ng mga araw eh kay raming nabubusog sa mga haing lutong-bahay.

Naging go-to ang kanyang goto. Nang mabalitaan ng mga OFW na naririto sa bansa, nagsisidayo pa ang karamihan. Makita lang siya. At ang pagbati naman sa kanya sa tuwi siyang magla-live eh, walang puknat.

Nagbalikan ang mga nawala.

Muling sinasamahan ang nagsi-alis nang lungkot sa buhay niya. Nagiging rehimen na. Nasa pusod ng Marikina ang pwesto niya. Nasa kanto lang ng J. M. Basa at J. P. Rizal. Madaling magalugad.

Nagiging makulay sa mga LGBTQIA. Tropang paglakad ang ehersisyo sa Marikina Sports Center. At ang kusina ng Lugaw Haus ang magiging abala sa gabi-gabing pagsasama-sama.

At kamakailan, nag-anunsiyo si Arnell. Kung may nagnanais na bilhin ang kanyang mga aquarium. Kasama ang sanrekwang iba’t ibang klase ng mga isda.

Pakakawalan na ang naging mga kasama niya sa kalungkutan. Na kinakausap at hinihingahan ng mga sama ng loob.

Nakakawala na nga ba siya sa gapos ng itinuring na masamang panaginip?

Minsan, namulatawan namin ang isa niyang mabuting kaibigan na talagang sinadya siya noong kanyang kaarawan.

Atty. Salvador Panelo.

Wala na muna siyang pakakaining mga isda. Taob muna ang mga aquarium.

Muli niyang naaabot. Nayayakap. Nakakausap. Ang kanyang OFWs. 

Sa maliit na kusinang ‘yun. May bago bang niluluto? Sa Lugaw Haus. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …