Ellen Adarna Motor

Ellen Adarna motorsiklo naman ang pinagkakaabalahan

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA si Ellen Adarna na makakompleto ng motorcycle riding course sa Antipolo City.

Sa kanyang Instagram, nag-post ng mga larawan si Ellen ng kanyang training at mga  certificate na nagsasabing matagumpay niyang nakompleto ang sessions ng training under Mr. Mel Aquino.

Pabiro nitong sinabi na muli niyang binigyan ng stress ang kanyang ina. “Here I am again… giving my mother unnecessary stress lol.” 

Ayon nga kay Ellen na nahirapan siya sa training at hindi madali.

Dagdag pa nito, “Hirap magpanggap na marunong mag-shift ng gears at mag-clutch control…. I don’t even know how to drive a manual car… kaya ko ’to. Push lol.”