Thursday , June 4 2026
Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro, hindi makakatulog kapag wala si Sunshine Garcia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSILBING special guest at witness kamakailan si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa oath-taking ng mga opisyal ng The Entertainment Arts & Media (TEAM), kay Governor Daniel Fernando. 

Tapos nito ay nakahuntahan namin sandali ang masipag na VG ng Bulacan at napag-usapan ang kaliwa’t kanang shows ng misis niyang si Sunshine Garcia sa Sex Bomb. Both sa mga probinsiya at sa abroad kasi ay maraming schedules na concert ang Sex Bomb.

Mahaba ang tour ng SexBomb, sasama ba siya sa tour? “Iyon nga ang problema ko e, parang hindi ako makakatulog, hindi ako sanay na hindi ko katabi ang asawa ko,” nakatawang tugon niya.

Aniya pa, “Sa totoo lang po, mas sanay sila na ako ang wala sa bahay, kasi ako iyong busy. Ngayon, iyong mga bata, medyo napapansin nila na laging wala si mama nila. Ako rin, may time na iyong katabi ko is iyong anak kong lalaki, iyong baby namin. So iba, nag-aadjust din kaming lahat.”

Pagpapatuloy pa ng guwapitong public servant, “Sabi ko nga sa kanya, at least mayroon kang work na ganyan at hindi naman lahat ng nasa industry ay nabibigyan ng second chance. At hindi naman iyan ang career nyo, kumbaga dadaan lang ulit iyan at matatapos din, babalik din kayo sa kanya-kanyang buhay nyo.

“Kami naman, suporta lang sa kanya sa mga tour nila, kasi noong panahon na ako ang nangangampanya, halos lagi akong wala sa bahay dahil sa trabaho ko, nandiyan naman siya para umalalay sa akin. So, ito naman ang time na ako naman ang aalalay sa kanya.

“Kaya sabi ko na hindi ako makakatulog, kasi ako ang magbabantay ng mga bata, ako ang magpapalit ng diaper. Big adjustments sa amin, pero ganoon naman talaga ang pamilya, kailangan ay suportahan.”   

Sa aming tsikahan, nabanggit din ni VG Alex na may kumukuha pa rin naman sa kanya sa showbiz para muling humarap sa kamera. Ngunit hindi na talaga kaya ng hectic na schedules niya mula nang naging Vice Governor siya, lalo na kung teleserye ito.

Sambit ni VG Alex, “Hindi ko talaga kayang i-commit ang sarili ko sa tatlong beses sa isang linggo. Kasi, minsan ay naranasan ko na iyon, bumabagyo tapos ay nagte-taping ako. Mahirap, iyong mga tao… lalo na ngayon, lahat papansinin, hindi ba? Hayaan ko na lang na si Sunshine muna ang mag-ano,” nakangiting wika pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Nagbunga naman, ibig sabihin kumbaga, umabot naman ako sa posisyon na ito dahil nakita ng mga tao na dedicated tayo sa trabaho natin. Hindi iyong (kung may magtanong na), ‘Nasaan ba si Vice Gov?’ ‘A nandoon sa taping.'”

Nabanggit pa ni VG Alex, “Ano e, yung schedule ni governor (Daniel) ay schedule ko rin, e. Magkaiba lang kami ng trabaho, pero very demanding din, kapag imbitado si governor… parang ganito, nandiyan si gov, and then hinahanap yung vice governor. Maganda ang tandem namin ni gov.”  

Ayon pa kay VG Alex, siguro ay destiny rin ang nangyari sa kanya.

“Dati nakakasundot pa ako ng mga taping sa MMK, iyong mga ganoon, pero ngayon ay wala na iyong ganoon. Siguro ay kanya-kanyang destiny lang iyan ng buhay, e. Naging part lang siguro ng buhay ko iyong showbiz, para makilala ko kayo. Nadaan ako ni Sunshine sa Spaghetti e, awa ng Diyos, tatlo na ang anak namin,” nakatawang pahayag pa niya.

“Kung hindi ako nag-artista, siguro ay hindi ko nakilala ang asawa ko. timing na timing iyon e, kasi noong 2015 ay wala ako sa politics dahil natalo akong vice mayor. So sabi ko nga, ang Diyos ay mayroon Siyang plano sa atin. Kung nanalo akong vice mayor, hindi ako magkakaroon ng time sa showbiz…

“Iyon pala, kaya ako huminto (sa politics) noong 2013 to 2016, para makilala ko iyong asawa ko, makilala ko kayo, mahanap ko ang sarili ko. Tapos pagbalik ko ng 2016 as Borad Member, nag-provincial level na ako.

“Oo, kung naging vice mayor ako noon, wala akong Sunshine…. Parang tulad lang nang nangyari sa kanila (Sex Bomb), nagplano lang ng reunion concert, akalain mong umabot ng Rawnd 6 na. Kumbaga, bihira ang ganoon e, na binigyan ka ng second life sa career mo.”

Nabanggit din ni VG Alex kung gaano ka-supportive sa kanya ang misis na si Sunshine.

Aniya, “Ang ugali naman ni Shine ay kalog iyan, cowboy… at sasabihin niya kapag mali, mali. Kasi kaming nasa posisyon, yung mga nasa paligid namin sasabihin na magaling kami. Pero may taong magsasabi sa iyo kung ano ang totoo, iyong hindi ka mao-offend, hindi ka maaano…

“Sasabihin sa iyo na, ‘Parang mali ang sinabi mo rito sa ganyan,’ o kaya ay, ‘Parang yumayabang ka na.’ Oo, si Sunhine iyon at saka ang mommy ko… Importante iyon, dapat may mga taong ganoon sa paligid mo. Iyong pupurihin ka kapag maganda (ang ginawa mo), at kapag pangit ay may magsasabi sa iyo.  

“Hindi lahat ay puro magaling ka, kasi roon lalaki ang ulo mo. Kailang mo iyong may magsasabi sa iyong maging simple ka lang… Iyong mga ganoon,” seryosong pakli pa ni VG Alex.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …