Luis Manzano Basura Scuba Diving

Luis nagpaalala basura itapon ng tama  

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGPAALALA  si Luis Manzano sa publiko na itapon sa tamang basurahan ang kalat pagkatapos mag-scuba diving.

Nag-post sa kanyang Instagram si Luis ng larawang kuha nang siya’y mag-scuba diving sa Batangas na maraming basura sa dagat.

“Itapon sa tama ang basura natin, iwan naman natin ang kagandahan at kalinisan ng dagat sa mga anak natin,” anang aktor/host. 

Ilan nga sa komento ng netizens na nakita ang mga larawan ang sumusunod.

“Tao din ang sisira sa kalikasan.”

 “Sa estero ka ba nag-scuba diving?”

“Yung tao talaga ang gugunaw ng mundo.”

“Apaka walang disiplina ng Pilipino.”

“Salamat kuya Luis sa paalala.”

“Thank you for using your ig for awareness. “