Thursday , June 4 2026
Candice Ayesha Juday Judy Ann Santos

Candice Ayesha mala-Juday ang dating

MATABIL
ni John Fontanilla

MALA-Judy Ann Santos ang dating ng newbie child star na si Candice Ayesha na isa sa bida ng advocacy film na Aking Mga Anak na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong September 3.

Katulad ni Judy Ann mabilis umiyak at mahusay sa drama si Candice. Sa pelikulang Aking Mga Anak ay ginagampanan nito ang role na Sarah, mayaman, mabait sa mga kaibigan, pero kulang sa kalinga ng mga magulang na abala sa trabaho.

Halos karamihan nga ng eksena ni Candice ay madrama at puro iyakan, na nagampanan naman ng buong husay kahit baguhan.

Bukod sa pag-arte ay mahusay din itong mag-host. Isa si Candice sa host ng children show na Talents Academy ng IBC 13.

Pangarap din ni Candice na mapasama sa isang teleserye at magkaroon pa ng maraming pelikula.

Ang Aking Mga Anak ay hatid ng DreamGo Productions ni Mr JS Jimenez at Viva Films, written and directed by Jun Miguel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …